Eto ang mg astig na babae para sakin.
Nakita ko lang sa post ni Monik (abakadamachine) yung tungkol sa tunay na lalake kaya gumawa na rin ako nitong ASTIG NA BABAE tutal dito tayo magaling, sa showbiz at pakiki-uso.
Hindi ko gusto yung mga babaeng sobrang kikay at sobrang dami ng arte sa katawan. Mas maganda para sakin yung stigin na babae. Ayoko nung iyakin at lampa. Ayoko nung mga KJ at nasobrahan sa hinhin.
Kaya ito ang mga babaeng astig sa tingin ko.
- SANYA SMITH- Eto ang astig. Hindi maarte at walang pakialam sa nagiging hindi magandang tingin sa kanya ng ibang babae. Minsan nakasakay ko na ‘sya sa jeep sa Diliman, nagtatagalog at may dalang gitara. Ganito yung gusto ko sanang maging gelpren kung pwede, rakistang sosyal.
- YENG- Eto kahit hindi na magpa-kyut, kyut parin at astig. Minsan nakipag-talo pa ko sa nanay ko dahil inaaway si yeng sa ASAP dahil OA daw. Cool kaya, ginagawan ‘nya ng kanta kung anong naiisip ‘nya. Astig pa yung mga kanta ‘nya, pang-masang rakenrol.
- MELAI- Komedyante. Akala nung iba panget si Melai, ang ganda kaya nito! Hindi nakakainip na babae, hindi nakakainis ang pagiging madaldal. Nung lumabas ‘to sa PBB, dun lang ako napilitang gumastos ng load para maka-boto Eto ang komedyanteng Pinay.
- ANNE CURTIS- Eto naman ang babae na kahit wlang ginagawa, maganda, maganda pero hindi nagmamaldita. Pinansin na nga ‘nya ko minsan sa twitter eh. At ganito ang tunay na astig na babae, hindi lang basta bumibirit ng kanta kahit sintunado, nagpe-perform pa with dance moves!
- MERCEDES CABRAL- Babaeng nakikita sa mga indie films. Hindi katulad nung ibang babae na pag naghuhubad nagiging porno yung pelikula, si Mercedes kakaiba. Siya ang hinirang na “Most Beautiful Face” sa Cannes Film Fest 2008. Astig. Tapos magmumura pa sa mga pelikula ‘nya, grabe, astig.
- BIANCA GONZALES- Gusto ko ‘to kasi hindi ‘nya pinipilit kung hindi ‘nya kaya. Ginagawa ‘nya ng maayos kung ano lang yung dapat. Hindi lang madaldal, matalino pa. Dapat sana ganito lahat ng babae eh.
Yun lang. Sila yung mga babaeng gustong-gusto ko. Grabe minsan naiisip ko baka obsessed na ako. Ganyan ang babaeng ma-appeal para sakin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento