—-
Ang tunay na chismosa ay mahilig magbasa ng mga tabloid. Dahil hobby nila at pang-alis stress ang ligayang nakukuha sa pagsasagot ng mga blind items. Sa tabloids din sila kumukuha ng mga ideya sa susunod nilang intriga.
—-
Ang tunay na chismosa daw ay may mahahabang dila. Kung ang biceps ay lumalaki dahil sa exercise, ang dila naman ay humahaba dahil sa mga extra-curricular activities nila.
—-
Ang tunay na chismosa, sa harap ng sari-sari store tumatambay. Dahil andun ang mga nakukuha nilang chismis, intiga at sari-saring blind items.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento