Huwebes, Setyembre 1, 2011

PUWIT


Puwit ng sapatos- maputik
Puwit ng aso- may tae
Puwit ng kawali- sunog
Puwit ng pintuan- maalikabok
Puwit ng manok sa Mang Inasal- sarap papakin
Puwit ng mouse- umiilaw
Puwit ko- may malas na balat
Nag-text sakin yung pinsan kong kasama ko sa inuman. May utang daw ako sa kanyang tatlong daan bayad sa bote at alak na nabasag ko kagabi sa inuman. Puwit ‘nya!
Gutom na ko, inubos ng katulong yung alam na binili ko sa KFC. Puwit ‘nya!
Sinabi ko sa nanay kong may dengue yung anak ng katulong ‘nya kaya pinapadala na dapat sa hospita, kawawa naman daw yung lamok. Puwit ‘nya!
Hindi parin gumagana yung SIMS ko sa facebook hindi ko na na-claim yung mga rewards ko kada 15 minutes. Puwit nila!
Nabasag yung charger ng samsung kong gamit ko ng anim na tao na. Puwit naman!
Binuksan ko yung facebook ‘nya, pangalan ko parin yung password na gamit ‘nya. Puta, puwit ‘nya.
Tangina. Saklap.

HANG-OBER


“PU!@#$%^&*INA! HINDING-HINDI NA ULIT AKO IINOM!”
Pinaka-sikat na linya ng mga taong umuuwing lasing at may hangover tulad ko.
Hindi parin ako nakalusot kagabi sa mga kasama ko kahit nagpapanggap na kong lasing kahit hindi pa naman para makauwi na agad ng maaga. Langya, hindi ako nakalusot. 
Nagising na lang ako sa apartment nung pinsan ko na parang ginagawang sisig ang utak ko. 
Ano na naman kayang kahihiyang hindi ko namatandaan ang ginawa ko kagabi?
Hindi ko matandaan. Basta alam ko kagabi may nabasag pa akong bote nung medyo natumba ko pag-kuha ko ng mineral water. Baka dumugo na naman yung gilagid ko kasi ang sakit ng ngipin ko sa gilagid. Wala na naman akong boses, baka nasobrahan sa hagalpak kagabi at may pasa na naman ako sa hita na hindi ko alam kung saan ko naihampas.
Grabe. Ang hirap bumangon.

ASTIG NA BABAE



Eto ang mg astig na babae para sakin.
Nakita ko lang sa post ni Monik (abakadamachine) yung tungkol sa tunay na lalake kaya gumawa na rin ako nitong ASTIG NA BABAE tutal dito tayo magaling, sa showbiz at pakiki-uso.
Hindi ko gusto yung mga babaeng sobrang kikay at sobrang dami ng arte sa katawan. Mas maganda para sakin yung stigin na babae. Ayoko nung iyakin at lampa. Ayoko nung mga KJ at nasobrahan sa hinhin.
Kaya ito ang mga babaeng astig sa tingin ko.
  1. SANYA SMITH- Eto ang astig. Hindi maarte at walang pakialam sa nagiging hindi magandang tingin sa kanya ng ibang babae. Minsan nakasakay ko na ‘sya sa jeep sa Diliman, nagtatagalog at may dalang gitara. Ganito yung gusto ko sanang maging gelpren kung pwede, rakistang sosyal.
  2. YENG- Eto kahit hindi na magpa-kyut, kyut parin at astig. Minsan nakipag-talo pa ko sa nanay ko dahil inaaway si yeng sa ASAP dahil OA daw. Cool kaya, ginagawan ‘nya ng kanta kung anong naiisip ‘nya. Astig pa yung mga kanta ‘nya, pang-masang rakenrol.
  3. MELAI- Komedyante. Akala nung iba panget si Melai, ang ganda kaya nito! Hindi nakakainip na babae, hindi nakakainis ang pagiging madaldal. Nung lumabas ‘to sa PBB, dun lang ako napilitang gumastos ng load para maka-boto Eto ang komedyanteng Pinay.
  4. ANNE CURTIS- Eto naman ang babae na kahit wlang ginagawa, maganda, maganda pero hindi nagmamaldita. Pinansin na nga ‘nya ko minsan sa twitter eh. At ganito ang tunay na astig na babae, hindi lang basta bumibirit ng kanta kahit sintunado, nagpe-perform pa with dance moves!
  5. MERCEDES CABRAL- Babaeng nakikita sa mga indie films. Hindi katulad nung ibang babae na pag naghuhubad nagiging porno yung pelikula, si Mercedes kakaiba. Siya ang hinirang na “Most Beautiful Face” sa Cannes Film Fest 2008. Astig. Tapos magmumura pa sa mga pelikula ‘nya, grabe, astig.
  6. BIANCA GONZALES- Gusto ko ‘to kasi hindi ‘nya pinipilit kung hindi ‘nya kaya. Ginagawa ‘nya ng maayos kung ano lang yung dapat. Hindi lang madaldal, matalino pa. Dapat sana ganito lahat ng babae eh.
Yun lang. Sila yung mga babaeng gustong-gusto ko. Grabe minsan naiisip ko baka obsessed na ako. Ganyan ang babaeng ma-appeal para sakin.

Martes, Agosto 30, 2011

ANG TUNAY NA CHISMOSA

Ang tunay na chismosa daw ay may nunal sa labi. Kaya hindi sila tumitigil sa pang-iintriga dahil may sumpa sila sa labi. Pero hindi porke walang nunal sa labi ay hindi na chismosa.
—-
Ang tunay na chismosa ay mahilig magbasa ng mga tabloid. Dahil hobby nila at pang-alis stress ang ligayang nakukuha sa pagsasagot ng mga blind items. Sa tabloids din sila kumukuha ng mga ideya sa susunod nilang intriga.

—-
Ang tunay na chismosa daw ay may mahahabang dila. Kung ang biceps ay lumalaki dahil sa exercise, ang dila naman ay humahaba dahil sa mga extra-curricular activities nila.


—-
Ang tunay na chismosa, sa harap ng sari-sari store tumatambay. Dahil andun ang mga nakukuha nilang chismis, intiga at sari-saring blind items.



Bakit gusto ng Pinoy na maging tisay?


Kaninang umaga, gali ako sa SM San Pablo para bumili nung epektib na sleeping pills sakin. May naksabay akong babae. Matangakad, mukha namang mayaman at mabango at morena. Narinig ko kanina na bumibili ‘sya ng glutathione.
Glutathione.
Ang ganda na ‘nya pero naghahanap parin ng pampaputi.
Hindi naman ‘sya magiging mas maganda kung maging tisay ‘sya at kakulay ni Taylor Swift. Pero bakit ang dami paring gustong maging maputi. Kahit bata o matanda, palihim na inaasam na maging maputi. Kahit ako dati, ginusto ko ring maging kakulay ni Jason Mraz.
Pero hindi naman ako umabot sa punto na gumagastos na ko ng libo para makabili ng glutathione. 
Nakakatawa pero nakakalungkot.
Bakit ayaw ng mga Pinoy na manatiling morena at makuntento sa kulay ng balat nila?
Parang si Jinky Oda, sobrang itim pero ngayon, mukha ng espasol sa sobrang puti. Sabi ‘nya sa napanood kong balita, may nag-sponsor lang daw sa kanya at hindi na dapat pang gawan ng isyu dahil kanya-kanya lang namang trip yan.
Pero si mercedes Cabral, siya ang hinirang na “Most Beautiful Face” sa Cannes Film Fest 2008, kung saan natalbugan ng kanyang MORENANG KULAY ang mga International actress tulad nina Natalie Portman, Cate Blanchett, Linda Evangelista, Penelope Cruz, at Salma Hayek. 
Kanya-kanyang trip lang din siguro pati sa kulay na gusto. Pero kung maging mestisa ka man o negra, wala namang mababago sa kahihinatnan mo sa buhay. Pwede ka paring maging accountant, stewardess, doktor, senador o kahit presidente pa kahit na maitim ka pa. 
Wala namang requirement sa kulay natin sa magiging trabaho.

PIZ OP MAYND.


May mga bagay na hindi nakailangan pang ipaliwanag. Dapat lang sadyang sabihin para matapos na.
Hindi na kailangan pang gumawa ng kwento para takpan ang mali.
Hindi na kailangan ng essay na nagpapahaba sa sasabihin para magmukhang kapani-paniwala.
Sabihin lang.
Ito ang tinatawag na PIZ OP MAYND.


Sana ganun din kasimple gawin sa totoong buhay.
Kung may kinaiinisan kang tao, delete lang! Kung may nagawa kang masama, delete lang ulit!
Darating yung professor sa Algebra, block agad!
Nakikipag-kaibigan sayo yung ex mo, ignore lang.
Kaso hindi ko alam, baka i-delete, block at ignore din ako ng ibang tao sa paligid ko.

#Nakikiuso. #Makikiuso.


Yung mga tao na gumagamit ng hastags (#) sa text nila at mga status sa facebook?
Sino na namang nagpauso nun?
Hindi naman sa nakikialam ako, pero nakikialam talaga ako. Hindi ko kasi gets kung ginagawa ba nila yon para magpatawa o humor lang talaga nila yung pag-gamit ng hastags sa facebook at text. Hindi ko gets.
Posible ba yun? Sa twitter yun diba?
Sa pagkakaalam ko hindi naman nagagamit yung # na nilalagay nila sa facebook. Lalong-lalo naman sa mga nakukuha kong text sa cellphone!
Halimbawa:
  • Hay naku! Naiwan ko pa sa bahay yung mga research papers ko! #Kainis!
  • Lunch here at McDonalds with my boyfriend! #Kilig!
  • Nakauwi na rin! Hay, nakakapagod pero ang saya naman kasi magkasama kaming dalawa maghapon. #Landi
  • Mahal kaya ‘nya ako? #Ambisyosa
Meron pa palang bago.
Yung mga gumagamit na ng hastags tapos nilalagyan pa ng year!
Halimbawa:
  • Kumakain ako ng lechon sa pinakamasarap na karinderya sa Batangas. #Katakawan2011
  • Ako ay galing sa gilid ng school kung saan maraming lalaki at nakipagharutan ng todo. #Pokpok2011
  • Ang ganda ko! #Echosera2011
Wala lang.
Hindi naman ako naiinis. Naiinis lang ako ng konte. Pero wala akong pakealam dahil hindi naman ako apektado kahit i-post pa nila yun na may kasamang sampung hashtags.
Nakikialam lang ako dahil pakialamero ako.
#Nakikialam.
#Pakialamero2011

Ang pait ah.



May nakuhang chocolate yung nanay ko sa package nung pinsan ko galing Italy.
Grabe ang dami. Kaso sobrang pait.
Para na kong kumakain ng chocolate na ampalaya pleybor.
Napansin ko lang, habang kumakain ako nitong halos lasang ampalayang chocolate, nagrereklamo ako pero nauubos ko parin naman. Pang nasasanay ako sa pait kaya dere-deretso na rin nauubos.
Parang buhay. Mapait. Pero BUHAY parin.
Kailangan lang siguro matuto o siguro masanay para maka-appreciate.
Swerte pa ko dahil may nakkain akong chocolate na imported galing Italy kahit mapait kesa dun sa namamalimos kaninang hapon na matanda sa kalye na hindi pa daw kumakain ng almusal.

Biyernes, Agosto 26, 2011

Lahat ng bagay may dahilan kung bakit ginawa ni Papa Jesus.


Ang pera ginawa para gastusin.
Ang pagkain ginawa para ubusin.
Anong gusto kong sabihin? Ang lahat ng bagay may dahilan.
Marami kasi satin ang sobrang negatibo agad ng tingin kung may mga hindi magagandang nangyayari sa buhay nila. Hindi na iniisip yung magagandang pwedeng makuha nila sa kung ano mang kamalasan na nakuha ‘nya.
Parang yung babae na nakasabay ko kanina pagtawid sa school. Tatawid na sanama kami ng karsada kaso may baliw sa likod ‘nya na biglang hinila yung kwelyo ng uniform ‘nya. Hindi man lang nag-isip kung tama yung gagawin ‘nya, bigla na lang minura yung babaeng may sakit sa isip at sinabihang lumayo sa tabi ‘nya. 
Tapos biglang may nasagasaang aso sa kalye.
Malay ba ‘nya na sinadya lang ng gusrdian angel ‘nya na ipahila sa baliw yung kwelyo ng uniform ‘nya para hindi ‘sya tumawid ng karsada. Tapos yung aso na parang ‘sya na nagmamadaling tumawid sa kalye na nabangga yung pumalit sa kanya na muntik ng mabangga.
Aba, malay ‘nya kung hindi dahil dun sa babaeng baliw eh nasa punerarya na ‘sya dapat.

Nakakamiss ang high school pero mas nakaka-excite yung reunion after 10 years.


Yung mga akala ‘nyo bobo tapos may kotse na dahil sa trabaho.
Yung mga mukhang unggoy, may asawa’t anak na.
Yung mga magaganda, maagang nabuntis o tumandang dalaga.
Yung mga gwapo, may boyfriend na rin.
Yung mga tatanga-tanga, professor na.
Yung mga sobrang matatalino, ayun, nasa mental hospital na.

“Hindi ko kailangan na maging kaibigan ng lahat ng kaklase ko.”


“Sabi sakin ng mama ko, magpakatotoo lang daw ako. Hindi ko kailangan pilitin magustuhan ng ibang tao. Wala akong pakialam kung mainis man sakin yung mga kaklase ko. Kaya ko namang pumasok mag-isa ng school.”
Sabi nung kaklase ko kanina.
Grabe napaka-totoo.
Hindi ko rin inisip na magmukhang responsable sa mga kaklase ko. Kung may gusto akong sabihin, sinasabi ko. Kung may nakita akong masama, sinasabi ko. Kung hindi maganda yung suot ‘nya nung wash day, sinasabi ko.
Hindi ko binalak magpa-good-shot para sa kanila.
Gaya nung sinabi ‘nya, hindi ko kailangan maging kaibigan ng lahat. Kaya kong pumasok ng school mag-isa.

Muntik ko ng makalimutan, hindi pala ako ganun ka-gwapo.


May nagugustuhan akong kakilala ko sa school nitong nakaraang linggo lang. Nakilala ko dun sa mga kagaguhan kong napapasukan sa school. Kung ano-ano ng non-academic org yung nakikita ko sa school kaya sinubukan kong sumali dun sa isa.
Tungkol sa mga pag-tulong sa ibang tao yung misyon nung sinalihan ko. Napilit naman nila ko kasi mukhang mababait at may makukuha naman akong matino sa pagsali. At tsaka medyo may pagka-anti-social ako kaya dun sa sinalihan kong org sigurado akong mga mababait yung mga members kaya hindi ako natatakot sumali.
May nakilala akong dalawa.
Si letter A yung nakilala ko sa team building ba yung tawag nila. Bata may mga laro kaming ginagawa na nakatali ng maliit na tela yung mga kamay namin tapos kailangan naming tumakbo. Ayun, natutuwa lang ako kasi hinahawakan ‘nya ko sa kamay pag tumatakbo kami. Nahihiya akong kausapin kasi anak yun nung professor ko sa isang minor subject. Tsaka may syota yata.
Si letter B naman yung pinaka-kinikilig ako ng konti. Nakita ko agad ‘sya nung pumasok sa agad sa meeting plce. Sobra! Gusto ko na! Halos dumugo na yung laptop ko sa paghahanap ng facebook ‘nya. Grabe para akong na-obsessed sa kanya. Kaso nakita sa mga nilalagay ‘nyang status na may gusto atang iba. May mga puso pa yung initials ng sinasabihan nya na crush ‘nya. Eh hindi ko naman initials yun.
Tsk.
Naku.
Tama na.
Nakalimutan ko, medyo mahalaga ang itsura ng tao.

Miyerkules, Agosto 24, 2011

Kung natatae ka sa date ‘nyo, maki-tae ka muna sa bahay nila.


Dati pag may gusto ka ligawan kailangan mong maging mabait o magmukhang mabuti para sa kaya.
Kailangan pang may makitang sandamakmak na magagandang katangian para magustuhan ka. Parang kailangan mo pag magpa-good-shot kumbaga. Dapat lagi kag mukhang mabango, may extrang pera at mukhang laging bagong ligo.
Naku.
Hindi magandang ideya na nagpapanggap ka pa.
Kung naninigarilyo ka, huwag mong pigilan porke lan magkasama kayong dalawa.
Kung nauutot ka, umutot ka. Hayaan mo na kung mabaho man yan. Lahat naman ng utot mabaho eh.
Kung natatae ka sa date ‘nyo, maki-tae ka muna sa bahay nila.
Kung marami kang taghiyawat sa mukha, huwag mo ng dayain pa sa photoshop yan.
Kung bobo ka, huwag ka ng magpanggapn na matalino.
Kung ano ka, yun ang ipakita mo. Para maaga pa lang hindi na kayo naglolokohan.