Martes, Agosto 30, 2011

#Nakikiuso. #Makikiuso.


Yung mga tao na gumagamit ng hastags (#) sa text nila at mga status sa facebook?
Sino na namang nagpauso nun?
Hindi naman sa nakikialam ako, pero nakikialam talaga ako. Hindi ko kasi gets kung ginagawa ba nila yon para magpatawa o humor lang talaga nila yung pag-gamit ng hastags sa facebook at text. Hindi ko gets.
Posible ba yun? Sa twitter yun diba?
Sa pagkakaalam ko hindi naman nagagamit yung # na nilalagay nila sa facebook. Lalong-lalo naman sa mga nakukuha kong text sa cellphone!
Halimbawa:
  • Hay naku! Naiwan ko pa sa bahay yung mga research papers ko! #Kainis!
  • Lunch here at McDonalds with my boyfriend! #Kilig!
  • Nakauwi na rin! Hay, nakakapagod pero ang saya naman kasi magkasama kaming dalawa maghapon. #Landi
  • Mahal kaya ‘nya ako? #Ambisyosa
Meron pa palang bago.
Yung mga gumagamit na ng hastags tapos nilalagyan pa ng year!
Halimbawa:
  • Kumakain ako ng lechon sa pinakamasarap na karinderya sa Batangas. #Katakawan2011
  • Ako ay galing sa gilid ng school kung saan maraming lalaki at nakipagharutan ng todo. #Pokpok2011
  • Ang ganda ko! #Echosera2011
Wala lang.
Hindi naman ako naiinis. Naiinis lang ako ng konte. Pero wala akong pakealam dahil hindi naman ako apektado kahit i-post pa nila yun na may kasamang sampung hashtags.
Nakikialam lang ako dahil pakialamero ako.
#Nakikialam.
#Pakialamero2011

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento