May nakuhang chocolate yung nanay ko sa package nung pinsan ko galing Italy.
Grabe ang dami. Kaso sobrang pait.
Para na kong kumakain ng chocolate na ampalaya pleybor.
Napansin ko lang, habang kumakain ako nitong halos lasang ampalayang chocolate, nagrereklamo ako pero nauubos ko parin naman. Pang nasasanay ako sa pait kaya dere-deretso na rin nauubos.
Parang buhay. Mapait. Pero BUHAY parin.
Kailangan lang siguro matuto o siguro masanay para maka-appreciate.
Swerte pa ko dahil may nakkain akong chocolate na imported galing Italy kahit mapait kesa dun sa namamalimos kaninang hapon na matanda sa kalye na hindi pa daw kumakain ng almusal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento