Ang pera ginawa para gastusin.
Ang pagkain ginawa para ubusin.
Anong gusto kong sabihin? Ang lahat ng bagay may dahilan.
Marami kasi satin ang sobrang negatibo agad ng tingin kung may mga hindi magagandang nangyayari sa buhay nila. Hindi na iniisip yung magagandang pwedeng makuha nila sa kung ano mang kamalasan na nakuha ‘nya.
Parang yung babae na nakasabay ko kanina pagtawid sa school. Tatawid na sanama kami ng karsada kaso may baliw sa likod ‘nya na biglang hinila yung kwelyo ng uniform ‘nya. Hindi man lang nag-isip kung tama yung gagawin ‘nya, bigla na lang minura yung babaeng may sakit sa isip at sinabihang lumayo sa tabi ‘nya.
Tapos biglang may nasagasaang aso sa kalye.
Malay ba ‘nya na sinadya lang ng gusrdian angel ‘nya na ipahila sa baliw yung kwelyo ng uniform ‘nya para hindi ‘sya tumawid ng karsada. Tapos yung aso na parang ‘sya na nagmamadaling tumawid sa kalye na nabangga yung pumalit sa kanya na muntik ng mabangga.
Aba, malay ‘nya kung hindi dahil dun sa babaeng baliw eh nasa punerarya na ‘sya dapat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento