Linggo, Hulyo 31, 2011
Komento ka ng komento, hindi ka naman si Boy Abunda.
“Ang pangit talaga nung set ng Party Pilipinas! Halatang-halata na walang air con.”
Bakit kailangan pang pakialaman yung nakikita mo sa TV na pinagpapawisan na yung mga tao? Hindi naman ikaw ang pinagpapawisan kundi yung mga nasa loob ng set. Choice din ng mga tao na nasa set na pumasok at mag-tiis sa loob ng set ng Party Pilipinas dahil gusto nilang makapanood ng live na kumakantang artista.
“Ang mga lalaking kumukuha ng picture sa harap ng salamin na walng T-shirt, bakla yun.”
Bakla na agad yun? Yung tatay ng pinsan ko may mga ganung pictures sa facebook. Yung mga kaklase kong siga, may ganun. Yung mga kasama ko sa duty, may mga ganun din. Hindi naman sila bakla.
“So kelangan naka-link pa talaga yung twitter mo sa facebook mo?”
Gusto nila eh. private space nila yung page nila sa facebook. Pwede nilang gawin kung ano mang gusto nila. Kung naiinis ka, burahin mo na lang din. Mala mo, sila mismo naiirita na din sa mga posts mo.
“Ang itim ng kili-kili ni June!”
Paano kaya kung sabihan ka rin nila ng masama sa itsura mo? Anong magagawa nung kili-kili nila sayo? Kung maitim ba yon ay masisira na ang buhay mo? Kung pumuti ba yon, makaka-graduate ka na?
“Ang arte ni Janet! Hindi nagpapakopya sa exam!”
Responsibilidad pa ba nila na pakopyahin ka para pumasa ka s exam? Kanya-kanyang aral, kanya-kanyang sagot.
“Kometo ka ng komento, hindi ka naman si Boy Abunda.”
Parang ako, bakit ko ginawa itong post na ‘to?
Kasi pakilamero din ako.
VIRGINITY IS NOT DIGNITY (daw)
Virgin ka pa?
Dlawang sagot lang ang pwede. OO at HINDI.
Kung isasagot mong HINDI, malamang may mga tao na mag-taas ng kilay sayo at ibaba ang tingin nila sayo.
Pero sa panahon ngayon, issue parin ba talaga ang pananatiling virgin hanggang maikasal ka?
Kaninang umaga pauwi na ako galing sa school, may mga mag-syotang naghahalikan sa gilid nung panaderya malapit sa school namin.
May nangyari na kaya sa kanilang dalawa?
Habang nasa jeep, pauwi, may nakita akong motor na may sakay isang ababe at lalake, biglang lumiko papasok sa motel.
Ano kayang mangyayari sa kanila?
Pagkarating ko sa bahay, lumabas agad sa TV yung sumasayaw sa Party Pilipinas na may dalawang babae na ang ikli ng suot.
Hindi kaya sila naiilang na ganun kaikli ang suot nila eh high school pa lang sila parehas? O baka naman sanay na sila?
Pag labas ko ulit ng bahay, nakita ko yung mga GRO sa tapat ng bahay namin na beerhouse. Mga bata pa, siguro mga disi-sais pa lang pero ganun na aad ang trabaho.
Bakit kaya sila napasok sa ganung klase ng trabaho?
Bakit ko sinusulat ito? Nakita ko yung mga dalaga dito sa barangay namin na may suot na printed shirt,VIRGINITY IS FOR LOSERS.
Siguro nga, hindi na ganun kahalaga ang maging birhen hanggang sa araw ng kasal nila. Dahil siguro naniniwala silang sa mga kasintahan nila ngayon din naman mapupunta ang tinitiis nilang init ng katawan kaya hindi na nila hinihintay na ikasal pa.
Hindi rin naman masisira ang dignidad ng isang babae dahil hindi na ‘sya birhen. Pero magandang regalo parin siguro ‘yon sa magiging asawa nila.
QUITS
Naniniwala ka bang dapat magkaroon tayo ng utang na loob sa mga magulang natin?
Hindi.
Responsibilidad ng mga magulang na pag-aralin at palakihin ang mga anak nila. Responsibilidad nilang mabigyan ng maayos na buhay ang anak nila dahil ginusto jilang magkaroon ng anak.
Pero hindi ibig sabihin na pwede na tayong maging bastos sa mga magulang sakin.
Sapat lang.
Gagawin nila ang responsibilidad nila sa atin.
Gagawin natin ang kung anon mang makakapagpasaya sa sarili natin tulad ng ginawa nila sa mga magulang nila noong minsang naging anak din sila.
Parang kung ano rin ang gustong gawin ng mga magging anak natin. At ang gagawin ng mga apo natin sa mga naging anak natin.
Kung aalagaan mo ang mga magulang mo sa pag-tanda nila, malamang alagaan ka rin ng mga magiging anak mo pag-tanda mo.
Para patas lang.
PABIGAT!
”Uy, may klase ba mamaya? Pakopya naman nung assignment!”
“Tabi tayo mamaya sa exam, ha?”
“Pautang naman!”
“Break na kami.”
Ang daming taong nagiging pabigat na lang sa kapwa.
Pwedeng sa barkada, sa skul o sa pamilya.
May mga kaibigan tayo na laging nandyan lalo na sa panahong puro sila problema. Lalapit dahil umiiyak at iniwan ng syota. Darating para umtang dahil naubos ang allowance.
Puro pabigat ang dinadala.
Sana dumating ang araw i-share mo rin yung kaginhawaan na naklukuha mo.
MANGGA o BUKO? Alin ang mas gusto mo?
Pumili ka.
Pili.
Nakapili ka na?
May sasabihin ako sayo.
Kung mas gusto mong kumain ng mangga kesa sa buko, ikaw ang tao na medyo tamad. Mas gusto mong kumain ng mangga dahil tulad ng ugali mo, mas gusto mong kainin yung mangga na may masarap na laman pero nasa gitna at huling makakain ang buto. Hindi mo naman kakainin yung buto diba? Kaya itatapon mo na lang, basta nakain mo na yung masarap na parte.
Kung mas pinili mo namang kainin ang buko, ikaw ang taong mas may tyaga sa katawan. Tulad sa pagkain mo ng buko, mas mahirap buksan ang buko kesa sa mangga. Kailangan mo munang buksan yung buko. Ang hirap nun! Pero pag nabuksan mo na yung buko, andun na lahat.
Ako? Syempre dun ako sa mangga. Ang hirap kayang alisan ng bata yung buko.
JUAN TAMAD
May mga tao na may maayos na buhay dahil naka-asa lamang sa pamilya.
May mga tumanda at nakapag-asawa na pero nanay parin ang bumubuhay.
Hindi mo naman masasabing walang alam o walang talento.
May kakayahanng gumawa pero hindi nagsisikap. Kayang pag-aralin ng mga maguang sa La Salle pero hindi inaayos ang pagpasok. Kung nakatapos man ng pag-aaral, hindi naman naghahanap ng trabaho dahil tinatamad.
Pakiramdam mo biktima ka ng mga tao sa paligid mo kaya hindi ka naging matagumpay. O baka naman biktima ka ng sarili mo?
Pakiramdam mo biktima ka ng kapabayaan ng mga tao sa nangyari sa buhay mo. Bakit hindi ka noon pa man kumilos?
Pakiramdam mo ikaw ang biktima kaya naging perwisyo ka na sa pamilya mo at sa ibang tao?
Pakiramdam mo biktima ka kaya bibiktimahin mo na lang din yung ibang tao?
“MA’AM, SI JOSE PO NANGOPYA NUNG EXAM.”
Bakit ka nagsususmbong?
Dahil mali yung ginawa ng kaklase mo na nangopya sa ibang tao?
O dahil mas mataas yung nakuha ‘nyang score kesa sayo at hindi mo nagawang mangopya katulad ‘nya?
Nagagalit ka kasi nagawa ‘nyang makapangopya sa ibang tao pero ikaw hindi mo nagawa. Ibig sabihin, may intensyon ka rin.
My sense ba yung sinasabi ko? Wala naman diba?
Nakakapagod ba mag-aral?
Ang daming assignments.
Magagamit ko ba sa pamamalengke yang mga fractions at statistics na yan?
Ano bang kinalaman ‘nyan sa buhay ko?
Tandaan mo na hindi mo alam kung anong mangyayari sa buhay mo. Kahit na sabihin mong may plano ka na para sa gusto mong mangyari sa kinabukasan mo, hindi parin ito ang totoong mangyayarri sayo.
Hindi mo masisigurado.
Ano nga bang kinalaman ng fractions at statistics sa buhay mo? Hindi mo naman yan gagamitin sa pamamalengke diba? Pero wala ka na bang planong gawin sa buhay mo maliban sa mamalengke?
Napapagod kang mag-aral.
Pero ang mga magulang mo hindi napapagod magpaaral sayo.
INFATUATION?
Hindi ako naniniwala sa love at first sight.
Paano ka naman mai-in-love agad sa isang tao na isang bese mo pa lang nakikita?
Siguro na-attract ka lang sa itsura. O baka naman infatuation?
Medyo nagtataka alng ako sa infatuation kong nararamdaman kasi halos malapit ng mag-dalawang taon pero tuwing nakikita ko ‘sya kinikilig parin ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa kanya. Kahit sa facebook, makita ko lang yung picture ‘nya kinikilig na agad ako.
Problema nga lang, hindi ‘nya ako kilala.
Ang kyut ‘nya kasi.
Minsan pag nakikita ko ‘sya sa school, kinikilig na agad ako lalo na pag ngumingiti ‘sya. Alam kong asset ‘nya yung smile ‘nya. Model pa ‘sya ng school namin. ganun katindi. Mukha tuloy akong isa sa mga estudyanteng kinikilig ng sobra sa mga tinatawag na campus crush.
Minsan ko na ‘syang nakasama pero hindi man lang ako kinausap.
Nakasabay ko na rin ‘syang kumain sa karinderya malapit sa school pero kahit nasa isang table lang kami, hindi man lang ‘nya ako napansin.
Ayoko pa ‘syang kausapin kasi baka pag nagpakilala na ako at nagsimula na kaming mag-usap eh iwan din ‘nya ako dahil napaka boring kong kausap.
Siguro marami ding nagkakagusto sa kanya at lakas-loob na umaamin sa kanya. Mga mayaman at may lakas ng loob. Ako, wala. Basata gusto ko sana kahit papano malam ‘nyang nandito lang ako lagi kung kailang ‘nya.
Teka, hindi nga pala ‘nya ako kilala.
Kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya. Lalakasan ko na lang ang loob ko balang araw.
Basta hindi pwedeng hindi ‘nya malaman.
Sayang ‘tong dalawang taon kong itinago.
Tuwing umuulan…
Walang pagbabago sa PAGASA.
Lulusong na naman ako sa baha.
At mamaya pagdating ko sa school na basang-basa sa ulan, tsaka pa lang mawawalan ng pasok.
Letse.
Eh bakit kaya pag umuulan maraming nalulungkot?
Naririnig pa lang ang patak ng ulan sa bubong, sumasama na ang loob at nagkukulong sa kwarto. Bakit maraming tao ang ayaw sa ulan?
Dahil hindi sila makalabas ng bahay? Hindi makapag-laro? Hindi makakuha ng baon sa magulang dahil walang pasok?
Noong Grade 3 ako, naranasan ko ng maligo sa ulan.
Ang sarap! Kasama ko pa yung pinsan ko na umuwi galing Amerika. Naglalaro kami sa putik. Naaalala ko natikamn ko pa yung putik dahil sa sobrang kalikutan ko. Ang sarap magtampisaw sa gitna ng kalsada.
Sumasayaw pa kami ng pamela-mela-one habang nagtatampisaw sa ulan.
Samantalang nanonood lamang sa amin at nakatingin sa kawalan si Aling Letty na iniwan ng asawa at sumama sa kasambahay nila. Nakaupo lamang ‘sya. Sa lakas ng ulan, hindi mo maririnig kahit na humagulhol pa ‘sya. Isa si Aling Letty sa mga kilala kong nalulungkot pag umuulan. Bata pa ako noon pero hanggang ngayon na kolehiyo na ako ay nakikita ko parin ‘sya sa bahay nila na katapat lang ng bahay namin na nakatitig sa kalye.
Parang ang bigat ng dinadala ‘nya.
Bakit kaya?
Ako naman, natutuwa ako pag naririnig kong pumapatak ang ulan sa bubong namin. Gumagaan ang pakiramdam ko.
Walang klase at makakatakas ako sa mga bagay na iniiwasan ko sa eskwelahan.
Pero sa kaso ko ngayon, mapipilitan akong harapin sila dahil kahit baha na sa kalye, hindi parin suspendido ang klase.
Bakit kaya?
Halos dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi ko parin makalimutan yung huli kong nakarelasyon?
Minsan bigla na lang akong nalulungkot kapag naaalala ko ‘sya.
Sa tagal naming naging magkasama, ang dami ring bagay ang nagiging dahilan kung bakit hindi ko ‘sya makalimutan ang maraming alaala.
Tuwing nakakakita ako ng pizza, naaalala ko yung nilalagyan ko ‘sya ng pizza sa mukha pero hindi ‘sya nagagalit sakin kahit mukha na ‘syang marumi.
Tuwing nakakakita ako ng munisipyo ng isang lugar, naaalala ko yung pinanood namin sa munisipyo ng Mandaluyong kung saan binigyan ‘nya ako ng jacket dahil maginaw.
Tuwing nakakakita ako ng mag-syota sa kalye, naaalala ko noong nag-away kami pero ako rin ang yumakap sa kanya kahit nasa gitna kami ng kalye.
Tuwing nakakakita ako ng mga nakatambak na papel, naalala ko kung paano ‘nya ako pinagmamadali sa school para maka-alis na agad kami.
Tuwing nakakakita akong dextrose, naaalala ko noong apat na araw ko ‘syang binantayan sa ospital dahil nasa US ang mommy ‘nya.
Tuwing nagyoyosi ako, naaalala ko noong sinampal ‘nya ako dahil ayaw ‘nyang manigarilyo ako.
At tuwing nakakakita ako ng kutsilyo, naalala ko kung paano kami naghiwalay.
Nakakalungkot.
Magiging OFW din kaya ako?
Mag-a-abroad na naman yung isa kong pinsan.
Halos lahat ng pinsan ko nasa Italy at US na.
Halos lahat sa pamilya namin ay OFW.
Kaya ako nakakapag-aral saisang mayos na paaralan ay dahil OFW ang nanay ko at iba pang kamag-anak.
Pero iba at magulo ang sistema sa amin.
Pinag-aaral ng magulang ang anak sa isang sikat at magastos na Unibersidad. Pag nakatapos ng college, susunod na sa Italy ang anak at magiging OFW na rin. Magkakaroon ng anak at papauwiin sa Pilipinas para makatapos ng kolehiyo at makapag-OFW na rin.
Totoo.
May mga pinsan akong graduate ng Biology, Tourism, Dental Technology at MedTech pero nasa Italy na ngayon para mag linis ng bahay ng mga Italyano.
Nakakasama ng loob na pinag-aaral kami ng mag magulang at sobrang laki ng gastos pero sa ibang bansa rin kami maghahanapbuhay.
Pwede naman dito sa Pilipinas.
Pero kahit na naglilinis lang ng bahay sa Italy, mas malaki parin ang kinikita kesa maging dentista o nurse dito sa atin.
Nakakalungkot.
Bukas, pupunta akong Maynila para ayusin yung petisyon sakin.
Hindi ko alam kung susunod ako pero susubukan ko na rin muna siguro dito sa Pilipinas kung makaka-graduate ako ng kolehiyo.
Nakakalungkot pero ganito na yata talaga sa Pilipinas.
STARBUCKS
Ang dami g nahihilig ngayon sa STARBUCKS.
Minsan lang ako nakatikim pero wala na akong plano pang umulit.
Hindi naman ako katulad nung ibang tao na walang pakialam kahit na mabilis pa sa santcchers sa Cubao ang lipad ng pera sa isang tasa ng kape.Sa halip na gumastos sa mga mag importanteng bagay ay inuubos sa pagkakape.
Wala namang masama.
May mga tao na sadyang mahilig lang sa kape at nakasanayan na ang mag STARBUCKS. Pero nakakalungkot na may mga taong gumagastos ng malaki para lamang makakuha ng picture habang may iniinom na STARBUCKS at masabi lang na bumibili sila ng doon.
Pilit na gumagaya sa mga estudyante sa Benilde na naniniwalang ang STARBUCKS COFFEE ay hindi kape. Starbucks is not coffee. It is composed of imported ground beans with processed chocolate at skimmed and icing toppings.
Ano daw? Hindi ba nasa pangalan ng kape yan. Kailan pa naiba ang depinisyon ng COFFEE?
Napakagaling ng ideya na ito.
Dahil ayaw magpahuli ng mga Pinoy, kung gusto nilang magpasikat at magpaka-sosyal sa tingin ng ibang tao, pupunta na lang sila sa pinaka-malapit na branch nito at iinom habang lumalakad sa mga malls.
Hindi ako galit o naiinggit.
Sana lang bago ka bumili ng mamahalin mong kape ay nabili mo na yung yellow paper na ginagamit mo sa school para hindi ka na nakakaistorbo sa mga katabi mo.
Bakit ang daming estudyanteng ayaw sa MATH?
Magaling ka ba sa math?
Ako hindi eh. Hindi ko alam kung mahirap ba talaga ang math o sadyang bobo lang ako.
May pinaghihirapan kasi akong home work sa professor ko sa Trigonometry na matandang dalaga.
Hindi ako natutuwa. Gusto kong puntahan sa bahay yung professor ko at makipag-debate kung bakit sobrang hirap ng mga pinapagawa ‘nya sa amin. Nakakabalisa. Hindi ko alam kung paano ‘nya nakukuha ang mga sagot dito sa sinasagutan ko.
Bakit may mga ganitong bagay sa mundo?
Pinaka ayoko sa lahat ang X at Y.
Ang haba ng ginagawa kong pagko-comput sa papel na hiningi ko pa sa katabi ko tapos isang numero lang pala ang hinahanapa ko? Nakakalokong humanap ng mga nawawalang value!
Hindi ko naman magagamit sa pamamalengke ang mga ‘to!
“Ate pabili nga po ng X sub 8 na kilo ng isa at summation ng X at 63 na kilo ng bangus.”
Bakit ginawang sobrang komplikado?
Naririnig ko pa lang ang mga salitang Algebra, Trignometry, Economics, Accounting at Statis…. Bwisit! Umiinit na gada ang ulo ko. gusto kong umuwi ng bahay dahil sumasakit na agad ang ulo ko.
Madali lang ba talaga ang math?
Hindi ko talaga magawang mahalin ang math.
At ayoko ng tapusin ang assignment ko.
WALA NG KWENTA YANG BUHAY MO?
Subukan mong lumabas ng bahay. Hindi yang iyak ka na lang ng iyak dahil pinagpalit ka ng jowa mo sa iba.
Oo malungkot pero hindi naman pwedeng ganyan ka na lang habambuhay. Subukan mong lagyan ng direksyon yang buhay mo, mabuhay kang masaya kasama ang mga tao sa paligid mo. Ang dami mong kaibigan na nakakalimutan mo na dahil lang sa syot mong iniiyakan.
Gumising kang may pupuntahan. Hindi yung gumigising ka para mag bantay ng taho sa tapat ng bahay mo.
Pati yung ipis na nananahimik sa kwarto mo idinadamay mo.
MASAYA ANG BUHAY KAYA MABUHAY KA NG MASAYA
Hindi na nagiging sukatan ang tagal ng buhay mo.
Hindi porke matanda na ang lola mo, masaya na ‘sya sa naging buhay ‘nya. Minsan, sila parin yung mga may kuro-kuro na may mga kulang pa at hindi sila nagawa.
Minsan naman, yung mga teenager na namatay agad, sila pa yung namatay na masaya at kumpleto nang masasabi ang naging buhay.
Habang sinusulat ko ‘to, bigla akong kinilabutan.
Hindi pa din ako handang mamatay.
Apektado lang ako sa kapitbahay namin na may cancer pero hindi inuuwian ng tatlo ‘nyang anak dahil masama daw ang loob.
Bakit sila nagtatanim ng galit? Hindi ko rin alam.
Nakakaawa.
ALBULARYO
May kapitbahay kaming tinutubuan ng mga bilog na parang may lamang tubig sa balat pero hindi nila dinadala sa doktor. May pera at mayaman naman yung mga magulang nung bata pero sa albularyo nila dinala yung bata dahil dun daw mas gagaling yung anak nila.
Ano bang masama sa doktor?
Maliban sa pagsasabi nila nung kung anu-anong salita pagkatapos i-examine yung pasyente, sunugin sa X-ray, mahilo sa CT Scan at kapkapin sa dibdib.
“Ang anak mo po ay mayroong severe headache and light fever due to loss of peripheral vision and unexplained nausea. At nakita rin naming lumalala na ang uncontrolled cell division at nagkakaroon na ng gradal loss of sensation. Ikinalulungkot kong malignant ang sakit ng anak mo.”
Ano bang gustong sabihin ng doktor?
May cancer ang anak mo.
Parang mas nakamamatay pang isipin kung ano ba talagang gusto nilang sabihin.
Mayroon din silang sulat na hindi ko maintindihan!
Hanga ako sa mga pharmacist na nakakaintindi ng sulat sa reseta ng doktor.
Hindi ko alam kung kasama ba sa board exam ng mga BS Pharmacy graduate ang pag-intindi sa penmanship ng mga doktor.
HINDI BA KAYO NATURUAN NG COMPOSITION NUNG GRADE 1?
At pagkatapos ng konting himas ulit gamit ang stethoscope, magbabayad ka na agad ng 500 piso sa loob ng tatlong minuto mong pakikipag-usap sa doktor.
Teka, ilang araw mong sweldo yang 500?
Teka, 50 lang ang donasyon dun sa albularyo sa tabi ng barangay hall sa barangay namin.
Teka, dun na nga lang din ako.
KILIG?
”Ang pag-big, hindi yan hinahanap dahil kusa yang dumarating.”
Lumang-luma na at nagamit na ng halos kalahating porsyento ng populasyon sa Pilipinas.
Pero may bago akong narinig sa kaibigan ko.
“Ang pag-ibig dapat habang naghihintay ka, hinahanap mo rin.”
Hindi ba mahirap maghanap habang naghihintay ka?
Para kang nagtu-tootbrush habang kumakain.
Para kang nagbibihis habang naliligo.
Para kang nagkukulay habang nagdo-drawing.
Para kang umiihi habang nanonood ng sine.
Kung hindi man mahirap magawa, imposible.
Akala ba nila na porke may tao na mailalagay mong karelasyon sa facebook ay magiging magaan at masaya na ang buhay nila?
Parang sa pagkukulay habang may ginuguhit ka pag larawan. Sa pagmamadali mong matapo, nagkamali ka ng kulay.
Natapos ka nga ng mabilis, hindi naman maganda yung kinalabasan.
Naging masaya ka sa kinalabasan ng pagmamadali mo?
Mraming estudyante ang nagrereklamo na hindi sila magkaroon ng inspirasyon sa pag-aaral. kung may inspirasyon ka ba sa tingin mo papasa ka ng mas madali? O mas mahihirapan kang makapasa dahil may kasintahan kang kumukulit sayo sa date ‘nyo at kung ano-ano pa?
Bakit may mga taong nalulungkot tuwing single sila? Hindi ko lubos na maisip.
Sana tayo na lang ulit.
Halos dalwang taon na yung nakaraan. Hanggang ngayon naman ganito parin ako.
Bakit ako lang?
Samantalang ikaw naka-ilang palit na ng dyowa. Syet ka. Gusto parin kita.
Ang dami kong nami-miss.
Kapag lagi akong nagiinarte pag tumatawag ka sakin kasi ayaw kong nakikipagusap sa cellphone.
Kapag nagagalit ka kasi hindi ako nagsasalita.
Kapag hindi natutuloy yung mga plano. Pero sinasabi mo namang nag-enjoy tayo sa pagaayos ng plano.
Kapag sinasampal mo ako pag may yosi na naman ako.
Kapag minumura na kita sa sobrang tagal mong maligo.
Kapag…
Ang dami.
Tama na.
Sabado, Hulyo 2, 2011
Proud ako sa sarili ko.
- Natututo na akong magtipid. May pinagiipunan kasi ako. Kailangan ko pa ng 7000 kaya sana bago matapos ang sem may pera na ako. Hindi lalake ang pinagiipunan ko. Dahil ang mga lalaki ang dapat na gumagastos sa date at hindi kaming mga babae. Right, girls?
- Speaking of pagtitipid, Im starting to love thrift stores! THRIFT STORES(read: Ukay-ukay) May nabili akong black na turtle neck jacket sa Ukay-ukay ng 200 lang! May nabili rin akong lifeguard sando na 140 lang. May nakita pa akong mga army boots na 500 pesos lang. Good quality naman kahit papano, mabaho lang pag binili mo. Iba yung odor eh. Amoy clorox.
- Speaking of clorox, ako na rin ang naglalaba ng mga briefs ko! Lately ko lang na-realize na dalaga na pala ako at hindi na magandang tingnan na ibang tao pa ang naglalaba ng panty ko.
- Speaking of panty, sabi nung kaibigan ko na kung gagawan daw ‘nya ako ng makeover na magiging babae ako, magiging maganda raw ako for sure! Syempre naman naniniwala ako sa kanya! Maganda kaya talaga ako! Kasi hindi pa ready ang katawan ko. Mas prefer kong mukhang lalake para iwas hinala at for sure ay jojombagin ako ng nanay ko pag naging babae ako.
- Speaking of girls, may friend na akong girl sa lower class ng course namin. Ang kyut ‘nya kasi napaka friendly at jolly. Bagay kaming magsama kasi haliparot ‘sya at ako naman ay dalagang Pilipina. Mahinhin.
- Speaking of being friendly, may twitter account na ako. Yung dati ko kasing account ay hindi ko masyadong ginagamit. Gumawa lang ako para mai-follow yung mga artista na interesting at may sensible tweets like Bianca Gonzales. Kaya ako gumawa dahil kay Bianca Gonzales. Pinagiisipan ko pa kung magfa-follow ba ako ng mga kakilala ko o yung mga artista lang dahil jologs ako. Basta ang mahalaga, may twitter na ako. Syet! Lumelevel-up ang lola!
- Speaking of leveling-up, natututo na rin akong mag-exercise! Sobrang nag-enjoy ako sa P.E. class ko na badminton. Ang sarap ng feeling na pinagpapawisan. I feel so healthy na. Talaga.
Napaka talented ko talaga.
A PROPER INTRO
Im Franco and Im openly gay.
BS Psycholog student. Pero mas gusto ko sanang maging flight attendant.
Tinatamad na ako.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)