May kapitbahay kaming tinutubuan ng mga bilog na parang may lamang tubig sa balat pero hindi nila dinadala sa doktor. May pera at mayaman naman yung mga magulang nung bata pero sa albularyo nila dinala yung bata dahil dun daw mas gagaling yung anak nila.
Ano bang masama sa doktor?
Maliban sa pagsasabi nila nung kung anu-anong salita pagkatapos i-examine yung pasyente, sunugin sa X-ray, mahilo sa CT Scan at kapkapin sa dibdib.
“Ang anak mo po ay mayroong severe headache and light fever due to loss of peripheral vision and unexplained nausea. At nakita rin naming lumalala na ang uncontrolled cell division at nagkakaroon na ng gradal loss of sensation. Ikinalulungkot kong malignant ang sakit ng anak mo.”
Ano bang gustong sabihin ng doktor?
May cancer ang anak mo.
Parang mas nakamamatay pang isipin kung ano ba talagang gusto nilang sabihin.
Mayroon din silang sulat na hindi ko maintindihan!
Hanga ako sa mga pharmacist na nakakaintindi ng sulat sa reseta ng doktor.
Hindi ko alam kung kasama ba sa board exam ng mga BS Pharmacy graduate ang pag-intindi sa penmanship ng mga doktor.
HINDI BA KAYO NATURUAN NG COMPOSITION NUNG GRADE 1?
At pagkatapos ng konting himas ulit gamit ang stethoscope, magbabayad ka na agad ng 500 piso sa loob ng tatlong minuto mong pakikipag-usap sa doktor.
Teka, ilang araw mong sweldo yang 500?
Teka, 50 lang ang donasyon dun sa albularyo sa tabi ng barangay hall sa barangay namin.
Teka, dun na nga lang din ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento