Sabado, Hulyo 2, 2011

Proud ako sa sarili ko.

  • Natututo na akong magtipid. May pinagiipunan kasi ako. Kailangan ko pa ng 7000 kaya sana bago matapos ang sem may pera na ako. Hindi lalake ang pinagiipunan ko. Dahil ang mga lalaki ang dapat  na gumagastos sa date at hindi kaming mga babae. Right, girls?
  • Speaking of pagtitipid, Im starting to love thrift stores! THRIFT STORES(read: Ukay-ukay) May nabili akong black na turtle neck jacket sa Ukay-ukay ng 200 lang! May nabili rin akong lifeguard sando na 140 lang. May nakita pa akong mga army boots na 500 pesos lang. Good quality naman kahit papano, mabaho lang pag binili mo. Iba yung odor eh. Amoy clorox.
  • Speaking of clorox, ako na rin ang naglalaba ng mga briefs ko! Lately ko lang na-realize na dalaga na pala ako at hindi na magandang tingnan na ibang tao pa ang naglalaba ng panty ko.
  • Speaking of panty, sabi nung kaibigan ko na kung gagawan daw ‘nya ako ng makeover na magiging babae ako, magiging maganda raw ako for sure! Syempre naman naniniwala ako sa kanya! Maganda kaya talaga ako! Kasi hindi pa ready ang katawan ko. Mas prefer kong mukhang lalake para iwas hinala at for sure ay jojombagin ako ng nanay ko pag naging babae ako.
  • Speaking of girls, may friend na akong girl sa lower class ng course namin. Ang kyut ‘nya kasi napaka friendly at jolly. Bagay kaming magsama kasi haliparot ‘sya at ako naman ay dalagang Pilipina. Mahinhin.
  • Speaking of being friendly, may twitter account na ako. Yung dati ko kasing account ay hindi ko masyadong ginagamit. Gumawa lang ako para mai-follow yung mga artista na interesting at may sensible tweets like Bianca Gonzales. Kaya ako gumawa dahil kay Bianca Gonzales. Pinagiisipan ko pa kung magfa-follow ba ako ng mga kakilala ko o yung mga artista lang dahil jologs ako. Basta ang mahalaga, may twitter na ako. Syet! Lumelevel-up ang lola!
  • Speaking of leveling-up, natututo na rin akong mag-exercise! Sobrang nag-enjoy ako sa P.E. class ko na badminton. Ang sarap ng feeling na pinagpapawisan. I feel so healthy na. Talaga.
Napaka talented ko talaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento