Linggo, Hulyo 31, 2011

Tuwing umuulan…

Walang pagbabago sa PAGASA. 
Lulusong na naman ako sa baha. 
At mamaya pagdating ko sa school na basang-basa sa ulan, tsaka pa lang mawawalan ng pasok.
Letse.
Eh bakit kaya pag umuulan maraming nalulungkot?
Naririnig pa lang ang patak ng ulan sa bubong, sumasama na ang loob at nagkukulong sa kwarto. Bakit maraming tao ang ayaw sa ulan?
Dahil hindi sila makalabas ng bahay? Hindi makapag-laro? Hindi makakuha ng baon sa magulang dahil walang pasok?
Noong Grade 3 ako, naranasan ko ng maligo sa ulan. 
Ang sarap! Kasama ko pa yung pinsan ko na umuwi galing Amerika. Naglalaro kami sa putik. Naaalala ko natikamn ko pa yung putik dahil sa sobrang kalikutan ko. Ang sarap magtampisaw sa gitna ng kalsada.
Sumasayaw pa kami ng pamela-mela-one habang nagtatampisaw sa ulan.
Samantalang nanonood lamang sa amin at nakatingin sa kawalan  si Aling Letty na iniwan ng asawa at sumama sa kasambahay nila. Nakaupo lamang ‘sya. Sa lakas ng ulan, hindi mo maririnig kahit na humagulhol pa ‘sya. Isa si Aling Letty sa mga kilala kong nalulungkot pag umuulan. Bata pa ako noon pero hanggang ngayon na kolehiyo na ako ay nakikita ko parin ‘sya sa bahay nila na katapat lang ng bahay namin na nakatitig sa kalye.
Parang ang bigat ng dinadala ‘nya.
Bakit kaya?
Ako naman, natutuwa ako pag naririnig kong pumapatak ang ulan sa bubong namin. Gumagaan ang pakiramdam ko.
Walang klase at makakatakas ako sa mga bagay na iniiwasan ko sa eskwelahan.
Pero sa kaso ko ngayon, mapipilitan akong harapin sila dahil kahit baha na sa kalye, hindi parin suspendido ang klase.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento