Mag-a-abroad na naman yung isa kong pinsan.
Halos lahat ng pinsan ko nasa Italy at US na.
Halos lahat sa pamilya namin ay OFW.
Kaya ako nakakapag-aral saisang mayos na paaralan ay dahil OFW ang nanay ko at iba pang kamag-anak.
Pero iba at magulo ang sistema sa amin.
Pinag-aaral ng magulang ang anak sa isang sikat at magastos na Unibersidad. Pag nakatapos ng college, susunod na sa Italy ang anak at magiging OFW na rin. Magkakaroon ng anak at papauwiin sa Pilipinas para makatapos ng kolehiyo at makapag-OFW na rin.
Totoo.
May mga pinsan akong graduate ng Biology, Tourism, Dental Technology at MedTech pero nasa Italy na ngayon para mag linis ng bahay ng mga Italyano.
Nakakasama ng loob na pinag-aaral kami ng mag magulang at sobrang laki ng gastos pero sa ibang bansa rin kami maghahanapbuhay.
Pwede naman dito sa Pilipinas.
Pero kahit na naglilinis lang ng bahay sa Italy, mas malaki parin ang kinikita kesa maging dentista o nurse dito sa atin.
Nakakalungkot.
Bukas, pupunta akong Maynila para ayusin yung petisyon sakin.
Hindi ko alam kung susunod ako pero susubukan ko na rin muna siguro dito sa Pilipinas kung makaka-graduate ako ng kolehiyo.
Nakakalungkot pero ganito na yata talaga sa Pilipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento