Linggo, Hulyo 31, 2011

MANGGA o BUKO? Alin ang mas gusto mo?

Pumili ka.
Pili.
Nakapili ka na?
May sasabihin ako sayo.
Kung mas gusto mong kumain ng mangga kesa sa buko, ikaw ang tao na medyo tamad. Mas gusto mong kumain ng mangga dahil tulad ng ugali mo, mas gusto mong kainin yung mangga na may masarap na laman pero nasa gitna at huling makakain ang buto. Hindi mo naman kakainin yung buto diba? Kaya itatapon mo na lang, basta nakain mo na yung masarap na parte.
Kung mas pinili mo namang kainin ang buko, ikaw ang taong mas may tyaga sa katawan. Tulad sa pagkain mo ng buko, mas mahirap buksan ang buko kesa sa mangga. Kailangan mo munang buksan yung buko. Ang hirap nun! Pero pag nabuksan mo na yung buko, andun na lahat.
Ako? Syempre dun ako sa mangga. Ang hirap kayang alisan ng bata yung buko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento