“Ang pangit talaga nung set ng Party Pilipinas! Halatang-halata na walang air con.”
Bakit kailangan pang pakialaman yung nakikita mo sa TV na pinagpapawisan na yung mga tao? Hindi naman ikaw ang pinagpapawisan kundi yung mga nasa loob ng set. Choice din ng mga tao na nasa set na pumasok at mag-tiis sa loob ng set ng Party Pilipinas dahil gusto nilang makapanood ng live na kumakantang artista.
“Ang mga lalaking kumukuha ng picture sa harap ng salamin na walng T-shirt, bakla yun.”
Bakla na agad yun? Yung tatay ng pinsan ko may mga ganung pictures sa facebook. Yung mga kaklase kong siga, may ganun. Yung mga kasama ko sa duty, may mga ganun din. Hindi naman sila bakla.
“So kelangan naka-link pa talaga yung twitter mo sa facebook mo?”
Gusto nila eh. private space nila yung page nila sa facebook. Pwede nilang gawin kung ano mang gusto nila. Kung naiinis ka, burahin mo na lang din. Mala mo, sila mismo naiirita na din sa mga posts mo.
“Ang itim ng kili-kili ni June!”
Paano kaya kung sabihan ka rin nila ng masama sa itsura mo? Anong magagawa nung kili-kili nila sayo? Kung maitim ba yon ay masisira na ang buhay mo? Kung pumuti ba yon, makaka-graduate ka na?
“Ang arte ni Janet! Hindi nagpapakopya sa exam!”
Responsibilidad pa ba nila na pakopyahin ka para pumasa ka s exam? Kanya-kanyang aral, kanya-kanyang sagot.
“Kometo ka ng komento, hindi ka naman si Boy Abunda.”
Parang ako, bakit ko ginawa itong post na ‘to?
Kasi pakilamero din ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento