Hindi na nagiging sukatan ang tagal ng buhay mo.
Hindi porke matanda na ang lola mo, masaya na ‘sya sa naging buhay ‘nya. Minsan, sila parin yung mga may kuro-kuro na may mga kulang pa at hindi sila nagawa.
Minsan naman, yung mga teenager na namatay agad, sila pa yung namatay na masaya at kumpleto nang masasabi ang naging buhay.
Habang sinusulat ko ‘to, bigla akong kinilabutan.
Hindi pa din ako handang mamatay.
Apektado lang ako sa kapitbahay namin na may cancer pero hindi inuuwian ng tatlo ‘nyang anak dahil masama daw ang loob.
Bakit sila nagtatanim ng galit? Hindi ko rin alam.
Nakakaawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento