Linggo, Hulyo 31, 2011

INFATUATION?

Hindi ako naniniwala sa love at first sight.
Paano ka naman mai-in-love agad sa isang tao na isang bese mo pa lang nakikita?
Siguro na-attract ka lang sa itsura. O baka naman infatuation?
Medyo nagtataka alng ako sa infatuation kong nararamdaman kasi halos malapit ng mag-dalawang taon pero tuwing nakikita ko ‘sya kinikilig parin ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa kanya. Kahit sa facebook, makita ko lang yung picture ‘nya kinikilig na agad ako.
Problema nga lang, hindi ‘nya ako kilala.
Ang kyut ‘nya kasi.
Minsan pag nakikita ko ‘sya sa school, kinikilig na agad ako lalo na pag ngumingiti ‘sya. Alam kong asset ‘nya yung smile ‘nya. Model pa ‘sya ng school namin. ganun katindi. Mukha tuloy akong isa sa mga estudyanteng kinikilig ng sobra sa mga tinatawag na campus crush. 
Minsan ko na ‘syang nakasama pero hindi man lang ako kinausap.
Nakasabay ko na rin ‘syang kumain sa karinderya malapit sa school pero kahit nasa isang table lang kami, hindi man lang ‘nya ako napansin.
Ayoko pa ‘syang kausapin kasi baka pag nagpakilala na ako at nagsimula na kaming mag-usap eh iwan din ‘nya ako dahil napaka boring kong kausap.
Siguro marami ding nagkakagusto sa kanya at lakas-loob na umaamin sa kanya. Mga mayaman at may lakas ng loob. Ako, wala. Basata gusto ko sana kahit papano malam ‘nyang nandito lang ako lagi kung kailang ‘nya.
Teka, hindi nga pala ‘nya ako kilala.
Kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya. Lalakasan ko na lang ang loob ko balang araw.
Basta hindi pwedeng hindi ‘nya malaman.
Sayang ‘tong dalawang taon kong itinago.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento