Kaninang umaga, gali ako sa SM San Pablo para bumili nung epektib na sleeping pills sakin. May naksabay akong babae. Matangakad, mukha namang mayaman at mabango at morena. Narinig ko kanina na bumibili ‘sya ng glutathione.
Glutathione.
Ang ganda na ‘nya pero naghahanap parin ng pampaputi.
Hindi naman ‘sya magiging mas maganda kung maging tisay ‘sya at kakulay ni Taylor Swift. Pero bakit ang dami paring gustong maging maputi. Kahit bata o matanda, palihim na inaasam na maging maputi. Kahit ako dati, ginusto ko ring maging kakulay ni Jason Mraz.
Pero hindi naman ako umabot sa punto na gumagastos na ko ng libo para makabili ng glutathione.
Nakakatawa pero nakakalungkot.
Bakit ayaw ng mga Pinoy na manatiling morena at makuntento sa kulay ng balat nila?
Parang si Jinky Oda, sobrang itim pero ngayon, mukha ng espasol sa sobrang puti. Sabi ‘nya sa napanood kong balita, may nag-sponsor lang daw sa kanya at hindi na dapat pang gawan ng isyu dahil kanya-kanya lang namang trip yan.
Pero si mercedes Cabral, siya ang hinirang na “Most Beautiful Face” sa Cannes Film Fest 2008, kung saan natalbugan ng kanyang MORENANG KULAY ang mga International actress tulad nina Natalie Portman, Cate Blanchett, Linda Evangelista, Penelope Cruz, at Salma Hayek.
Kanya-kanyang trip lang din siguro pati sa kulay na gusto. Pero kung maging mestisa ka man o negra, wala namang mababago sa kahihinatnan mo sa buhay. Pwede ka paring maging accountant, stewardess, doktor, senador o kahit presidente pa kahit na maitim ka pa.
Wala namang requirement sa kulay natin sa magiging trabaho.