Miyerkules, Agosto 24, 2011

Nasa Espanya parin ang puso ko.


Sayang hindi ako pumasa ng BS Bio sa UST.
Hindi rin abot ng utak ko yung UST-Med para mag-doktor.
Kanina, galing ako sa bahay namin sa Espanya. Dun ako lumaki hanggang elementary. Umalis lang ako at tumira na sa Laguna kasi dito na gusto ng lola ko. Dito na rin ako nag-high-school at college. Wala naman akong marereklamo sa school na pinasukan ko maliban sa bawal ang may mahabang buhok at kulay brown na buhok.
Balik sa Espanya.
Ang daming rumerenta sa bahay namin na estudyante sa UST.
Yung kwarto, anim na tao yung nakatira. Yung kwarto ng mama ko may apat at yung kwaro ng lolo ko may walong tao. Pati ilalim ng hagdan namin may umuupa.
Ngayon lang ako pinasukan ng panghihinayang.
Bahay namin yon pero iba ang tumitira.
Ang lapit ng bahay namin sa UST pero hindi ako nakapasok don dahil ayaw ng lola ko lumayo.
Ang ganda nung kwarto ko kaso may sulat na ng pentel pen ng mga pangalan nung umuupa.
Pag ako naka-graduate, lilipat na ulit ako sa Espanya. 
Paalisin ko na yung mga umuupa kasi kaya ko ng kumita ng pera.
***
Photo not mine. Inilagay ko lang dahil ganyang-ganyan yung kanto samin. Pakiramdam ko ito yun.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento