Bakit may mga tao na ang hilig makisali sa away ng ibang tao?
Mas gusto pa nila na may napapasukan silang gulo dahil sa pakekealam nila sa away ng ibang tao. Kung tutuusin, wala na silang dapat gawin pero mas gusto parin nilang makisali. Bakit? Kasi nga, pakialamera sila.
Yung kahit na ibang tao naman yung napapa-away eh pilit na nakikisali sa away dahil may kinakampihan ‘sya na gustong ipagtanggol.
Ganun na ba talaga kaimpluwensya yung isang tao para kampihan mo at makisawsaw ka na sa gulo nila? Bakit? Sipsip ka sa kanya kaya gusto mong magmukhang kakampi ‘nya at pumapel ng husto?
Bakit ka nakikisali?
Hindi ko maintindihan.
Gumawa ka ng sarili mong away kung gusto mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento