Lunes, Agosto 15, 2011

TAKOT KA?


Takot ka sa dilim?
O takot ka dahil hindi mo alam kung anong nakakubli sa dilim?
Takot ka sa mataas na lugar?
O takot kang mahulog?
Takot ka sa mga tao sa paligid mo?
O takot kang tanggihan ka nila?
Takot kang mag-mahal?
O takot kang hindi ka mahalin?
Takot kang palayain ‘sya?
O takot kang tanggapin na wala na ‘sya?
Takot kang sumubok ulit?
O takot kang masaktan ulit sa paulit-ulit na dahilan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento