Lunes, Agosto 15, 2011

Kuya eto 5oo, lunch ka na lang muna.


Kahapon, habang nasa kotse kami papuntang CCP, masyadong mabilis magpatakbo yung pinsan ko. Kaskasero kaya sinita kami nung pulis. 
Pulis: Ang bilis ‘nyo ah? Bawal yan. May lisensya kang dala?
Kami: Meron ho.
Pulis: Sama na lang muna kayo samin sa presinto.
Pinsan: Kuya eto 5oo, lunch ka na lang muna.
Pulis: Sige.
Bakit ganun? Mas maayos sana kung dinala na lang nila kami sa presinto para nalaman namin yung mga mangyayari kapag inulit ulit ng pinsan ko ang over speeding. 
Lahat ba ganon? Kung lahat ganun ang ginagawa, sa pulis pa lang sa kalye nakakalusot na yung mga salarin, pano matututo yung mga may mali?
Naiinis ako sa mga pulis.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento