Martes, Agosto 16, 2011

PUTANG INA MO.


Nakaka-turn-off ba yung mga tao na madalas magmura?
  • Nakakasakit sa kapwa?
  • Nakaksira sa pagsasama ng ibang tao?
  • Nakakagalit sa kapitbahay?
  • Nakaka-offend sa kabarkada?
Kahit naman sino nagmumura eh. Napapamura naman lahat ng tao pag nagagalit at naiinis. Kahit na mga tahimik na tao o relihiyo pa man.
Minsan naglalakad kami sa madilim na kanto nung kaklase ko na sobrang tahimik. Yun na yata ang pinakatahimik na nakilala ko. Sobrang mahinhin at hindi nagsasalita kung alam ‘nya na hindi naman kailangan pang may sabihin.
Nung naglalakad kami pauwi, may sumabit sa paa ‘nya na tela. Nagulat ‘sya kasi akala daw ‘nya may aso na dumila sa hita ‘nya kaya sumigaw ng malakas sa kalye, “PUTANG INA! PUTANG INANG PLASTIK YAN! PUTANG INA SINONG NAGSABIT NON SA POSTE PUTANG INA!”. Nagulat ako nung nagsisigaw ‘sya bigla tapos tumawa ako ng tumawa kasi nun ko lang ‘sya narinig magmura.
Minsan naman kasabay ko sa CR ng school yung professor kong pari. May professor kaming pari para sa religion dahil catholic school yon. Magkausap pa kami bago ‘sya pumasok sa loob ng cubicle ng CR para umihi. Bigla na lang ‘syang sumigaw pag-pasok sa loob ng CR sabay biglang lumabas sa loob ng cubicle. “PUTANG INA MAY TUMAE HINDI MAN LANG NAG_FLUSH TANG INA!”
Pari pa yon.
Maraming nagsasabi na masama daw ang pagmumura. Putang ina hindi ako naniniwala don!
Maraming nagsasabi nakaka-turn-off daw yung malakas magmura. Tangina eh di huwag.
Minsan naman kasi yung pagmumura eh sigh of endearment. 
“Tangina sarap mo magluto ah.”
“Tangina ka ang talino mo pala!”
Diba? Pero minsan lang naman.
At syempre hinding-hindi ako magmumura sa harap ng maraming tao, sa loob ng simbahan, sa harap ng nanay ko at sa tabi ng lola ko.
Yun nga lang, sa pagmumura, pati nanay ng ibang tao naiidamay mo na. Huminahon lang muna.
Pero hindi ko parin gets kung bakit may ayaw sa mga nagmumura. Imposible namang hindi rin sila nagmumura sa buong buhay nila. Depende na lang siguro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento