May kaklase kasi akong babae na sobrang arte.
Napaka-arte at walang ginawa sa school kundi awayin yung iba kong kaklase.
Hindi naman lumalaban yung mga kaklase ko kasi mababait sila para pumatol pa dun sa babae na sinasabi ko. Karamihan kasi sa mga kaklase ko ay babae at tahimik. Ganun daw talaga pag pambabae yung kurso mo, konti lang kaming lalake. Marami din bakla.
Yung babaeng maarte pala inaway yung isa kong kaklase.
Inaway ‘nya si Kenna.
Si Kenna yung working student na kaklase ko dahil medyo kapos sila ngayon. ‘Sya na lang ang nagpapa-aral sa sarili kasi ayaw na ng tatay ‘nya na pumasok pa ‘sya.
Kaso natanggal ‘sya sa trabaho sa McDonalds kasi siniraan nung kaklase naming maarte sa mga crew ng McDo.
Tsk.
Ang sama ng ugali.
Hindi naman nagalit si Kenna. Mabait eh.
Kaya ako yung umaway sa babaeng maarte.
“Ang arte mo bobo ka naman! 6 lahat ng subject natin ngayon, 5 bagsak mo grabe ka nakakalandi ka pa puro bagsak ka na. Mag-aral ka muna bago ka lumandi para hindi ka bumagsak. Kaso kahit nag-aaral ka bmabagsak ka parin. Sama na ng ugali mo bobo ka pa.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento