Miyerkules, Agosto 24, 2011

Tatlong solusyon sa problema


Tanggapin mo.
Baguhin mo.
Kalimutan mo.
Kaklase: Bwisit yang si Ella, ang sama ng ugali.
Sagot: Kung naiinis ka, hayaan mo na lang dahil ganun ‘sya, tanggapin mo na. Kung hindi mo matiis at hindi mo matanggap, subukan mong kausapin para magbago. Kung hindi mo makausap ng matino at hindi mo mapagbago, hayaan mo, kalimtan mo.
Pinsan: Nakakainis, hindi ko makalimutan yung ex ko.
Sagot: Wala na kayo. Tanggapin mo na. Kung hindi mo matanggpa, subukan mong humanap ng bago pag ayos ka na ulit. Kung hindi ka parn makapagbago at makahanap ng bago, kalimutan mo na.
Kaklase: Bagsak na naman ako sa Physics! Badtrip!
Sagot: May magagawa ka pa? Kasalanan mo. Baguhin mo ang gawain mo, subukan mong pumasok ng matino at mag-pasa ng lahat ng kailangan. Kung hindi ka parin makapasa, tanggapin mo ng hindi ka makaka-graduate.
Kung hindi mo kayang tanggapin, baguhin mo. Kung hindi mo kayang baguhin, kalimutan mo na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento