Miyerkules, Agosto 24, 2011

Masarap ba talaga ang bawal?


Hindi naman talaga masarap ang bawal eh.
Premarital sex? May thrill. Kung mabuntis ka eh di syam na buwan kang may malaking tiyan at may maiitim na kili-kili. Kung mabubuntis ka, hindi mo magagawa yung mga normal mong ginagawa dahil may iniingatan kang bata sa loob din ng bata mo pang katawan. Masarap yon?
Tumawid sa riles? Tapos sumabit yung paa mo sa riles at hindi mo maalis. O kaya naabutan ka ng tren sa riles at naputol yung paa mo. Masarap?
Mamboso? Kung mahuli ka nung binobosohan mo at saksakin ng ice pick yung mata mo sa butas eh di nabulag na yung isa mong mata dahil sa sarap ng kamanyakan mo. Masarap parin?
Shabu? Naubos yung pera na dapat ay allowance mo sa school pambili sa napakamahal na gramo ng shabu at tumanda kang hindi na nakatapos ng college at walang ibang minahal kundi yang shabu mo. Masarap?
Yosi? Teka…Malakas pla akong magyosi.
Huwag na lang yung yosi.
Basta.
Basta hindi lahat ng bawal masarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento