Lunes, Agosto 15, 2011

Tingin mo magiging masaya ka sa pag-graduate mo kung naka 35 revamps ka sa thesis mo?


“Uy, tulungan mo naman akong mag-english dito sa thesis ko!”
May nagpapatulong sakin kaninang kapitbahay namin sakin tungkol sa thesis nila nung dalawa pa nilang kaklase. 
Naka-ilang pasa na daw yata sila pero hindi lagi tinatanggap nung professor dahil marami na raw maling grammar at spelling, may mga salita pa na may mas magandang term para magamit.
Hindi naman ako masyadong magaling mag-english pero lumaki akong nag-e-english dahil yun ang gusto ng school ko. 
Nung tiningnan ko yung thesis nila na ginagawa, may mga nakita nga akong maling english. Medyo marami ring typo kahit mga simpleng salita lang.
Pano kaya sila nakapasa at umabot ng senior year kung ganun parin sila mag-english?
Maawain lang ba talaga yung mga professor nila dati o mababa lang ang standards dito sa Pilipinas?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento